Bits and Pieces That Make Me
Music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent. - Victor Hugo
Tuesday, March 21, 2006
Minsan Pa
Ang mga panaginip ay isang biyaya.

Nilalaman nito ang nakaraan, ang hinaharap,
at ang hindi kailanman mangyayari.
Larawan ito ng mga bagay na gusto mong maganap,
inaasam marating, at pilit itinatago.

Ito ay para sa mga bagay na hindi mo maaabot.
Para sa mga taong hindi mo na makikita.
Ito ang iyong tanging tulay tungo
sa napakaraming posibilidad na hindi mo matamo.

Dito ka rin makakatagpo ng pagmamahal,
kapatawaran, kaliwanagan, kaligayahan;
mga bagay na sa totoong buhay
ay inakala mong walang kabuluhan.

Ngunit ang mga panaginip ay may hangganan.

Kapag hindi bantayan, ay parang droga
na kakainin kang buhay.
Sapagkat ang iyong panaginip, mistulang walang katapusan;
Subalit sa iyong pag gising ay biglang mawawalang parang bula.

Kahit anong habol mo ay lilipad nang papalayo,
na para bang nanunukso.
Hanggang sa wala ka nang magagawa
kundi umasa at maghintay na biyayaan kang muli.

Kaya minsan ka pang lumapit,
minsan ka pang bumalik.
Marami pa akong hindi nasasabi;
ako ay nasasabik.

Hindi ako nababahala na
ako'y lalamunin ng higop ng panaginip.
Nais lamang kita makasama
kahit na minsan pa.

Labels:

posted by Tami @ 6:08 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
About Me

About Me: Dum spiro, spero
See my complete profile

Previous Posts
Archives
Links


Powered by Blogger


lunar phases
Template by

Free Blogger 

Templates