Bits and Pieces That Make Me
Music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent. - Victor Hugo
Tuesday, March 21, 2006
Headlines bukas, ngayon ang broadcast!!!
hehehe =P

Lalaki kumain ng boneless bangus, natinik!!!

Paco binaha, kinalawang!!!

Tahanang Walang Hagdan, inakyat!!!

Capt. Hook dumaan sa Quiapo, pinirata!!!

Bakla sumali sa away, napasubo!!!

Unanong madre, napagkamalang penguin!!!

bulag, nagdilim ang paningin, nanaksak!!!

Tindera ng suka, tinoyo!!!

bastos na teacher, tinuruan ng leksyon!!!

Eroplano nag-crash, lahat ng pasahero namatay sabi ng mga survivor!!!

Basurero nagsampa ng kaso, binasura!!!

Dahil sa taas ng tuition, eskwelahan ng mga bingi, nagnoise barage!!!

Lalaki natagpuang pugot ang ulo, inaalam pa kung buhay!!!

Barbero tumestigo sa krimen, ayaw paniwalaan!!!

Misis ng photographer, nakunan!!!

Tindera ng tubig, namatay sa uhaw!!!

Kaso ng pilay, nilalakad!!!

Invisible man, nakita na!!!

Labandera nagkamali, sinabon!!!

Janitor sumali sa basketball, nilampaso!!!

Dahil lagi raw tulog, guwardiya binantayan!!!

Plantsadora, nadawiit sa gusot!!!!!

Runner na inutangan..... tinakbuhan!!!!

Tindera ng karne, nasagasaan.... naging gulay!!!!

Nandaya sa baraha, binalasa!!!!

Buntis, nasagasaan........ anak nakailag!

Tindera ng mais, nagpatawa... corny!
posted by Tami @ 6:54 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
About Me

About Me: Dum spiro, spero
See my complete profile

Previous Posts
Archives
Links


Powered by Blogger


lunar phases
Template by

Free Blogger 

Templates