June 5, 9 PM
XXX: musta?
tami: eto ok lang, nagpapakaalipin. hehe kaw, pumuti ka na? hehe
XXX: hahaha... oo pogi na uli
tami: ayows! pasukan niyo na?
XXX: oo, papunta na akong school ngayon.
tami: ah ok, sige ingats
[screeeeeecching tires] HUWAAAAAT????!!! parang napaisip ako dun kung ako ba ang nangamusta in the first place ah. sana pala i stopped at 'eto ok lang' LABO!
June 6, 7 AM
XXX: gud am.
Aynaku. manigas na lang siya. kakapagod makipagusap.
how do you call someone a friend? kapag ba may pinagsamahan na kayo? may napagusapang malalim? may naishare kang sikreto? or nakasama mo siya once in your life but you had a real great time? ako kasi meron akong certain criteria before i call someone a friend. Hindi ko pa lang din madefine clearly kung ano yung criteria ko. minsan nafifeel ko na lang na i would like this certain person to be a friend. minsan i couldn't care less pag never ko na makita uli ang isang tao. pero gets? hindi naman pwede lahat ng mameet ko sa buhay ko e friend diba? yung iba close friend, yung iba acquiantance, yung iba miron. anyway, malayo na ako sa kinukwento ko.
si XXX e ewan ko ba kung papano ko icaclassify. i met him months ago, through text. we went out once then never uli. matagal ko shang di nakausap, then recently e nangangamusta uli. tapos ganon lagi ang flow ng usap namin. mangangamusta siya. sasagot ako (attempting to be friendly) and then it will end up na i'm the one asking questions and sya e sagot lang ng sagot. AMPUCHA! sa totoo lang, hindi ko alam why i feel obliged to keep a conversation going. i don't even know why i still talk with him. ang naiiisip ko lang e hindi ako masamang tao na bigla biglang nang-iignore ng tao, unless of course, the person was a real jerk to me. pero minsan i wish he would just stop texting. i can't tell him off kasi wala naman siyang ginagawang mali. yun lang, wala akong interest na makipagusap at napapagod lang ako pag naguusap kami. hay. anyway bahala na. basta bad trip ako sa kanya ngayon.
-----
kagabi e late na naman ako umuwi. i told my sisters na alis ako office ng 10 PM. 11.30 na kami nakauwi at nakarating ako sa bahay almost 1 AM. I didn't want to ring the doorbell anymore para hindi maistorbo yung mga tao (at syempre tumatakas din ako kasi baka magising mga ate ko e hehe). Usually pag ganito ka-late i text or call my younger bro and sis para sila ang magbukas ng gate. E ang mga linchak na yun ngayon pa napili matulog ng maaga! Hindi sinasagot tawag ko. so I was forced to ring the bell na. And guess who should open it, but my fearsome panganay sister.
Ayoko na kasing tinatanong nila ako why I was late. Hindi ko rin kasi maexplain ng maayos kung bakit ako natatagalan sa office e. Its a mixture of marami talagang ginagawa, may nirurush, mejo nakakatamad so may spots during the day na mag konting R&R kami, etc. Of course, concerned lang sila sa paguwi ko. e hindi kasi ako natatakot umuwi ng ganon ka late, siguro dahil wala pang nangyayari sa aking masama. Trips ko lang talaga maglearn the hard way. o_0
anyway, pagdating ko kwarto, ang init inti ng ulo ko kasi napagalitan na naman ako, but i held my tongue. ayokong sisihin mga kapatid ako na napagalitan ako kasi natulog sila at hindi binuksan yung gate. pero after 10 minutes na pagtitimpi, nasabi ko rin... hehe kapal ko talaga manumbat... i said 'hay naku, &%#$^%! pinagalitan ako ni ate... KAYO KASI E, HINDI NIYO BINUKSAN YUNG GATE, SIYA TULOY ANG NAGBUKAS!!!' =P
ayun, sa init ng ulo, kinailangan ko mag-unwind. So i did the one thing na nakakapagrelax sa akin everytime mainit ang ulo ko or antok/pagod ako pero di ko pa feel matulog. yun ay magpluck ng kilikili. ewan ko ba, i feel so good pag nagpupluck ako. I get a sense of satisfaction from pulling tiny hairs (as in kasing laki ng 5 o'clock shadow) from my armpits. minsan hindi masakit, minsan masakit pero ok lang. ewan, siguro natutuwa ako na makitang nalilinis unti unti lekileki ko. (naisip ko pa nga e, kung epekto yun ng freudian fixations pero parang di ko naman maclassify kung saan. hmm...develop na lang kaya ako ng panibagong teorya about it?)
e sa kasamaang palad, i couldn't find the facking plucker!!! pucha talaga! sinuyod ko na yung possible places na pwedeng mapag-iwanan yun, wala talaga. siguro i spent another 15 minutes looking for it. everytime makikita ko the hairs on my kilikili, umiinit ulo ko! konti lang naman sila, siguro tig 20 hairs lang each kilikili, and hindi naman obvious, even if i wear a sleeveless blouse. pero wala lang... gusto ko sila mawala!!! ayun, i gave up in the end, kasi hindi ko talaga makita. i couldn't sleep yet sa sama ng loob so nag computer na lang muna ako.
ok na sana e. until lumabas ng kwarto yung fearsome ate ko and yung bf niya. aalis pala kasi si bf papuntang davao at ihahatid siya ni ate. ayun. sisante. di ko na lang sila pinansin, at hindi na nila ako pinansin, pero i know na asar na asar yung ate ko kasi late na ako umuwi tapos nakuha ko pang magpuyat sa computer.
anyway, at first i was mad about the whole thing. kasi naman, nasa edad na ako and still napapagalitan pa about pag-uwi uwi ko or kung gusto ko bang magpuyat sa kaka-computer. e napagtanto ko lang na i should act more responsibly kasi para they would take less notice of me and give me the independence na gusto ko.
ayun lang, bow.
hehe anti-climactic e noh =P
-----
mag-a-out of the country boss ko with one staff ngayon at ang balik niya ay next Wednesday pa. YAHOOOO!!!!!!!!! 1 week ko syang hindi makikita! I can go home at exactly six PM everyday, hindi maoobliga pumasok ng sabado, at pwede pang magsiyesta twice a day, o-ha! and to top it off, walang dadalhing laptop ang boss ko (ang hahawak e yung staff), meaning limited ng email access niya. mwahahahaha! gaganda ang blog ko this week.... *evil look* hehe joke lang =p
aalis sila ngayon 12noon... i can't wait! hihihi! ^_^
|
xxx: gud pm?
tomats: *evil look*
anonymous: =)