| Wednesday, July 19, 2006 |
| I am bored. |
wala ako sa kundisyon magtrabaho.
inaantok ako.
kagabi, iniwan ako ng mga officemates ko umuwi mag-isa. mga 10.20 na nun. mejo bad trip ako kasi di ko akalaing nung sabihin ko sa kanila na 'sige, mauna na kayo kasi may isang report pa ako.' e hindi sila tatanggi o magdadalawang isip at hindi nila ako pipilitin na hintayin ako.
aba'y akalakin mo yun. siguro dapat sinabi ko na 10 minutes ko na lang naman gagawin yung report na yun. siguro dapat nagpakyut ako gaya ng madalas kong ginagawa para hinintay nila ako. siguro... teka lang. puro na lang siguro e ano pa bang magagawa nun, tapos na nga e! tsk tsk tsk. ang kulet talaga ng lahi ko. At sabi ko nga pala hindi na ako magtatampo sa kanila. Sabi nga ng boss at mga kapatid ko: kung lagi akong hahanap ng sisi sa iba, hindi ako uunlad. Kung lahat ay isisisi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para baguhin yun. Kasi ako lang ang pwede kong piliting baguhin. Pwede mong pagsabihan ang iba, pero di mo sila mapipilit. Swak. May natututunan pala ako.
Si manong taxi na nasakyan ko (mula Makati hanggang Cubao) e ubod pa ng kulit. Hindi siya humingi ng dagdag. Paulit ulit nga lang niya sinasabi na: ‘Sana makakuha ako ng pasahero sa cubao. Talo ang gas ko dito… Ubos-ubos ang one hundred gas pa lang...’ Gusto ko sanang sabihin na ‘Ay manong, wala pong effect yan. Hindi ako nagdadagdag sa metro kung Makati to Cubao lang. Nagpapagod lang kayo. At lalong hindi ako nagdadagdag kung puro parinig ang manong na nakasakay ko. Sana ay dinerecho niyo na lang ako kanina para umpisa pa lang, nagkaintindihan na tayo at hindi na ako sumakay sa taxi niyo.’ Ngunit tumahimik lang ako at pagbaba e halos sakto lang ang ibinayad.
So dumating ako sa bahay ng halos alas dose na ng gabi. direcho higa at tulog. well, not exactly. opkors nagbihis muna at gumawa ng letter para sa kapatid ko at nag-attempt pa magsulat ng konti pero tinulugan ko din na nakabukas ang ilaw.
-----
side-kwento (pwedeng hindi basahin, kasi hindi related sa naunang kwento): nahihirapan ako matulog sa kama ko. double deck kasi yun, ako yung nasa taas. Dati e ineenjoy ko pang matulog dun, kaya lang di lumaon e napagtanto ko na mahirap palang dun matulog.
Una, malaki na ako mashado para sa makeshift hagdaanan so hinahakbang ko na lang yun pa-akyat. no, hindi naman ako higante at mula sahig hanggang taas ng double deck ay kaya kong hakbangin. ang ibig sabihin ko e tatapak ako sa katabing upuan or dun sa kama sa baba sabay isuswing ko ang isa kong leg pataas, kakapit sa kabilang side ng kama at hihilain ang sarili ko pa-akyat. imaginin niyo naman kung gaano ako kawapoise araw araw. tapos hirap ako matulog doon kasi sumasakit ang likod ko, for some reason. Pero hindi naman ata kasalanan ng double deck yun - yung kutson na ang may sala. tapos lagi rin ako nasisilaw kasi tapat na tapat sa mukha ko ang ilaw ng kwarto. I swear, kapag tumayo ako sa double deck e abot kamay ko na yung bumbilya. tapos mejo sira na rin yung kahoy na window (jalusi?) facing the hallway ng bahay so may maliit na awang kalevel ng kama ko. kaya mejo nakakailang na mahiga dun kasi baka kita sa labas.
Hindi naman eye level ang butas na yun - para makasilip sa butas e kailangan magtiptoe o yumukod, depende sa height ng sisilip. At hello? sino naman ang sisilip sa kwarto? Even so, nakakailang lang ang thought. What if one day, may dumaan dun na tamang tama ang height sa butas, tas nagkataong napatingin sya sa butas, O-May-Gad!
ayun, so for the last month, nakipagpalit ako sa kapatid ko kaya dun ako sa baba ng double deck, sya sa taas. e nakipagpalit na uli sya ngayon. huhuhu.
-----
going back, so natulog ako ng ganon walang patumanggi kung sa aking pagtulog e nasisilaw ako at masakit ang likod at ang aking suot na pantulog ay, bahala na lang kung ano ang makita ng makakakita mula sa bintana. naalala ko nagising ako ng mga 5.45 AM kasi paalis yung kapatid ko at may pinapirmahan siya sa akin. (Sana hindi yun ang mana ko na ibibigay ko na pala sa kanya...) tapos nakatulog ako uli.
Pag-gising ko e 7.58 na! anak ng tokwa!!! e 9 AM ang pasok ko e... I need at least 1 and a half hours from the house to the office para hindi malate. tinamaan ng... I seriously considered magbihis na lang nang hindi naliligo sabay karipas (aircon naman sa opis), pero mahirap na. malayo pa ang lalakbayin ko at mag mMRT ako. kahit ba puro babae kami sa tren e nakakahiya pa rin. hehe. so ayun, naligo ako, 10 minutes flat. Natrauma na kasi ako sa isang event namin, na wala kaming tulog the night before the opening, so naligo ako bago pumunta nung opening. Nalate tuloy ako at dun nagsimula magkandaleche leche ang buhay ko. Anyway, so here I am. late dumating sa opis. Hindi ko na pinilit maghabol ng oras, gaya ng palagi kong ginagawa. It’s a done deal. Kailangan ko na lang harapin ang consequences which is a tardy mark next to my name na for the last few months e flawless na ang record.
-----
I am bored.
wala ako sa kundisyon magtrabaho.
inaantok ako.
kaya gumawa ako ng kape. nasasanay na ako magkape ngayon. Palaging isang kutsarang kape, tatlong kutsara ng asukal, tatlong kutsara ng kopimate. mashado atang matapang, pero dun na ako nasanay. Ngayon lang e yung kopimate nahaluan ng anchor family milk (na binili ko kahapon para sa AKIN dapat and for some reason e ibinuhos ng officemate ko sa conjugal creamer lalagyan. case closed. sa AMIN na bigla ang gatas. Family milk nga naman yun.) Pero it tastes funny, pinangangatawanan ko na lang ang kape ko. o_o lasa syang skimmed milk o non-fat milk.
-----
hmmm... mabait lang ba talaga ako, or likas na tanga? i can never understand when or why something has already ended, and i can never discern when the chances you gave is already enough or too much. gaya ni *toot* na naka strike 2 na sa kin at sabi ko tama na. pero a few days ago, nagkataon nakausap ko uli and pinagbigyan ko na naman. akala ko ok na. pinagbuhusan ko pa naman ng panahon. true enough, kahapon, naka strike 3. at hihingi pa ng pang-apat na pagkakataon. Aba aba aba. nagdebate pa ako kagabi kung pagbibigyan ko ba o hindi. in the end, sabi ko hindi na lang. humingi sya ng paumanhin, pero wala na ako. sorry, hindi lang talaga tayo ganon ka-close para pabigyan kita ng paulit ulit.
pero at the back of my mind, mejo nababagabag pa rin ako. Kung ang Diyos walang sawa sa pagbibigay ng pagkakataon, tao pa kaya? ako pa kaya? Well, tao lang naman ako kaya ay limitasyon ako. Pero tao NGA LANG ako so bakit ako mag-aact more than a God and deny someone something na ang Diyos e readily binibigay? At kung ako nga e kung paano paulit-ulit na pagbigyan… bakit yun ay hindi ko kayang ibalik sa iba? Heto na naman ang same dilemma ko kung bakit ako palaging naniniwala sa tao.
-----
Anyway, paubos na ang kape ko. At marami pa akong kailangan gawin. btw, sabi pala ng kaibigan ko nadadalas na daw ako magmura ngayon. Mejo napansin ko nga. Hindi ako ganon dati. Magmumura lang ako kung sobrang galit na galit na, at yun yun mga times na hindi ko na talaga mapigilan ang madumi kong bungaga. Ngayon e para akong bulkan na konting asar lang napapamura na. naalala ko tuloy nong bata ako, na nakapagmura ata ako sa harap ng nanay ko (P.I. pa ata ang sinabi ko nun, so sino ba namang ina ang hindi magagalit?). sabi niya 'sasabunan ko ang bibig mo.' sabi ko 'sige nga.' (sabay irap.) ayun, isinubo niya sa akin ang soapy sponge na ipinanghuhugas nya ng plato. hahaha. ^_^ buti na lang hindi yun sabong panligo or sabong panlaba kundi e nakadkad pa sa ngipin ko yung sabon hehe. I think I need sponging again.
Saka pupunta ako sa ilo-ilo sa weekend. Ang galing! last year, i was just thinking of going there para magliwaliw at bumisita ng kaibigan na hindi ko nakita for 7 or 8 years. (and its one of the destinations i included in my things to do in 2006!!!) Ayun, biglang darating ito. Sandali lang naman kami dun. Sat PM to Mon AM. tapos the whole of Sunday e may aattendan kami na conference. Gusto ko sana makapaglibot - dami daw beach dun? pero bahala na. at least makikita ko uli yung kaibigan ko. at masaya ako kasi hindi ako papasok sa Monday pagbalik namin from ilo-ilo kahit bayaran nila ako! hehe
-----
Paulit ulit kong naiisip ang ‘Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure.’ O diba, hindi naman obvious na ang tingin ko sa sarili ko ay powerful beyond measure ako? Hehe But really, I am afraid… Kailangan ko na talaga ng bakasyon. Kailangan ko nang magmunimuni. I need a moment of silence…
…
Ayun, solb. |
posted by Tami @ 11:48 AM
 |
|
|
|