| Wednesday, July 12, 2006 |
| Huling gabi, pero umpisa pa lang ito =) |
Umuwi ako ng alas-dose kagabi. Kagabi ang iyong huling gabi bago ka aalis ng halos isang taon. Gising pa pala kayo, nagiinuman at naguusap ng mahina sa may bukana ng bahay. Pagkatapos ko kayo batiin (at harapin ang sermon sa pag-uwi na naman ng ganong oras, at konting pang-gugoodtime gawa ng suot kong palda at botas na parang wala sa lugar, kasi Pilipinas nga naman ito) dumirecho lang ako sa aking kwarto at hindi na lumabas hanggang kinabukasan.
Nagdedebate pa ako kung tatambay ako kasama ninyo. E puyat na rin naman ako e. Kung ang trabaho pinagpupuyatan, ikaw pa kaya? Kaya lang inunahan ako ng hiya. Di ko alam kung ano na ang pinaguusapan ninyo. At siguro naman aabutan kita sa umaga, saka na lang ako magpapaalam.
Hanggang sa makatulugan ko kayo, naaaninag ko pa ng konti ang mga boses ninyo habang naguusap, pero parang ikaw ay tahimik lang. Siguro hindi mo lang gusto magsalita. Siguro pagod ka na sa kakaempake. Siguro nalulungkot ka kasi aalis ka na...
Tinanong ka nila ilang araw lang ang nakaraan kung bakit parang wala lang sa yo na aalis ka. Sabi pa sa yo, 'excited' kang umalis kasi sobrang enjoy ka doon. At ang sagot mo, 'hoy, ngayon lang ito. sa araw bago ako aalis, hindi na ako ganito...' Aba'y, ganon nga ano. At ngayon ko lang narealize, kung kelan na huli.
Kasi nasa opisina na ako ngayon at papunta ka na sa airport. Malamang itetext kita uli bago ka lumipad kaya lang hindi ko alam kung may bitbit ka pang telepono mamaya. Pero itetext na rin kita. Hindi man lang kita nasamahan sa huling gabi mo dito. E kasi naman, hindi tayo close. Hindi ko man lang inalam yung detalye ng mga kung ano plano mong gawin habang wala ka - kung ano yung schedule ng trabaho mo, kung excited ka ba kasi yun ang talagang gusto mong gawin, kung sino mga kaibigan mo dun, kung paano ka nagliliwaliw. E kasi nga hindi tayo close! Hindi ko man lang nasabi sa yo na maskipaps, importante ka sa akin at mahal kita. Kung sabagay, hindi naman yun kasi uso sa bahay at mababatukan lang ako nila ate pag 'umarte' ako ng ganon. E kung sila ate nga ang sinasabihan ko nun, ginugoodtime na nila ako e.
So, dumating ang umaga. Umuulan, at hilo pa ako sa antok. Madalian akong nagayos para pumasok. Naririnig ko na kayo uli na gising at nagaayos para sa kung ano man. Yun pala e paalis na kayo ng bahay ni Zoe dahil may lalakarin ka at isasabay mo na sya. Kumatok ka sa kwarto at inaya mo akong sumabay na rin hanggang LRT Santolan. Sumama naman ako. Ikaw ang nagmaneho (malamang.) Si Zoe ang naupo sa passenger's seat, at ako sa likod mo. Pero imbes na makipagusap, natulog na lang ako.
Bababa ako dapat sa LRT Santolan pero nasiraan kasi at sarado yung stasyon, so sa Katipunan na lang ako bababa kasabay ni Zoe at doon sasakay sa LRT Katips. Pagdating sa kanto ng Katips, bababa na si Zoe. Humarap sya sa yo at ngumusong parang humihingi ng kiss. Nagpakiss ka naman sabay yakap at babay. Bababa na rin sana ako pero dun pa pala sa susunod na kanto mo ako ibaba, kasi nandun yung LRT station ng Katips. Pagdating dun, sarado rin! Aba't lokong yun! Hayun, bumaba na lang ako sa susunod na kantong pwede mo akong ibaba. Pagdating sa babaan, nagpaalam na rin ako at umalis.
Buti na lang nasiraan ang LRT, at sobrang traffic so mejo mahaba ang tulog ko, este mejo matagal pa pala kita nakasama. Kahit wala pa rin naman akong nasabi sa yong makabuluhan, ok lang, sana ay may mental telepathy ka at ne-gets mo naman ako kahit papano.
Para sa isa sa mga taong gusto kong maging malapit pero natatakot akong maging malapit dahil parang ibang iba tayo - wala lang, mag-iingat ka, mag-enjoy at hanggang sa muli. (hehe ^_^) Ang pabaon ko na lang galing sa yo ay alaala ng halik sa pisngi at naudlot na yakap (na minsan naman ay natutuloy) na isa or dalawang araw ko lang sa isang taon natatanggap.
Salamat, kasi kahit madalas e hanggang 'hi', 'hello', 'ingat ka' lang ang daloy ng usap natin, e saksi ka at dumamay ka sa mangilan-ngilang pagkakataon na ang puso ko'y nabiyak. Salamat, kasi minsan pag pinapagtulungan ako nila ate, dinedepensahan mo ko. Pasensha na at hindi ko pa nababalik sa yo ang mga pabor na to. Kung sabagay, mukha namang mas matibay ka sa akin e.
Gustong gusto ko pa naman magka-kuya mula pa noong bata ako. Kung tutuusin e kuya nga naman kita, hindi nga lang tayo close. hehe siguro pag nagkita tayo ulit e hindi na ako takot. Oh, well. yun lang.
Kuya Mikko. Kuya Miks. Kuya.
Ay, hindi talaga bagay hehe. Anyway, tekker cos ayker, kapatid! ^_^ |
posted by Tami @ 3:41 PM
 |
|
| 2 Comments: |
-
ate tams hano ito?! tamang tama mag memaintain kami ng communication thru gmail ni mikko dahil sakin nya ipinagawaw ang bahay nya..mantakin mo, by nov, papadala nya P100k para masimulan na ung proj, at sakin nya pinapahawak..lahat! itatakbo ko na un at puputulin ko na ano mang relasyon meron ako sa antipolo! tatanan ko na si iris kasi may kwarta na kami! P100k!!! pde na ko magsimula ng pamilya!
wag ka magsusumbong kundi ii-email ko kay miko itong maliit na sulat mong ito. ayaw natin un mangyari. bwahahahah!!!!
-
wehhh, inggit ka lang kasi wala ka pang entry sa akin hehehe =P
di ka pa rin nagbabago mula nung nakita kita kaninang umaga - manggagamit, manggagancho at manghuhuthot ka pa rin. napapa-iling na lang ako.
hehehe if i know namimiss mo rin yun! =p
|
| |
| << Home |
| |
|
|
ate tams hano ito?! tamang tama mag memaintain kami ng communication thru gmail ni mikko dahil sakin nya ipinagawaw ang bahay nya..mantakin mo, by nov, papadala nya P100k para masimulan na ung proj, at sakin nya pinapahawak..lahat! itatakbo ko na un at puputulin ko na ano mang relasyon meron ako sa antipolo! tatanan ko na si iris kasi may kwarta na kami! P100k!!! pde na ko magsimula ng pamilya!
wag ka magsusumbong kundi ii-email ko kay miko itong maliit na sulat mong ito. ayaw natin un mangyari. bwahahahah!!!!