| Wednesday, July 18, 2007 |
| Going out with sty(l)e |
Nung isang araw, may naramdaman akong kirot sa aking kanang mata.
May gwapo at 0400 hours?! Tanong ko sa sarili habang lilinga-linga sa paligid. Wala pala. Sawi. Lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng aking binalasang ipod (ipod shuffle).
Eyebags ko ba ito? Sabay tigil muna sandali habang tinatancha ko kung nagvavibrate ba ito mag-isa, kahit hindi ako gumagalaw, senyales na nasobrahan na naman ang puyat ko. Hindi rin e, steady naman siya, just hangin'.
Puwing? Huuf huuf! nagblow ako ng hangin sa wala - hindi nga pala gumagana ang paraan na yun, unless ibang tao ang umiihip sa mata mo. Kaya't pinikit pikit ko lang padahan dahan ang aking kanang mata para maramdaman kung may maliit na partikulong gumugulong gulong sa loob nito. Wala pa rin.
At dahil wala na akong maisip na dahilan sa pagkirot, akin na lang sinisi ang sunod-sunod kong pagpupuyat, at pinabayaan ito. Pero habang papasok ako sa opisina nung umagang yun, parang lalong bumibigat ang mga mata ko. Itinulog ko na lang sa sasakyan, sabay ang paghehead-bang sa isang musikang ako lamang ang nakakarinig. Nakatulog na ako't nagising, pagdating ko sa opisina, masakit pa rin ang mata ko. Hindi ko na natiis - kinamot ko ito.
Araguy! Masakit din sya pag nahahawakan o nadidiinan. Ala ey! no kaya iyown?
Dali-dali akong kumuha ng salamin at sinilip ang aking mata. At nakita ko siya - isang maliit, at mamula-mulang umbok sa itaas ng talukap sa mata. Tama kaya ang naiisip ko...? Pero wala naman akong binobosohan, so hindi siguro posibleng magkaroon ako ng ganon. O di kaya'y kinagat ng...???? alam niyo na! Winaglit ko ang karimarimarim na kaisipan sa aking isip - siguro, SANA, inpeksyon lang.
Buong araw na kumikirot at bumibigat ang kanan kong mata. para akong nagkaroon ng paltos ngunit walang pampalit na sapatos bukod sa sapatos na mataas ang takong. kaya naman sa hirap panatilihing nakabukas ang mata ko e lalo akong hindi makapokus sa ginagawa ko. Maya't maya e kailangan ko pumunta sa banyo para basain ang aking mata. Kasi parang mainit na sumasakit ang pakiramdam pag matagal tagal na syang nakabukas.
Buti na lang may medical benefits ang aming opisina at dalawang beses sa isang linggo na nagpapapunta ng doktor para sa mga nangangailangan kumunsulta. Ngayon, nabalitaan ko na noon na ubod daw ng kagwapuhan ang doktor namin ngayon. Sa katanuyan e nakasalubong ko sya minsan, at aba, may kagwapuhan nga. Imaginin ninyo si Andre Agassi - na mas kayumanggi, mas lean, mas pino, metro gwapo!
Nagbibiruan kami noong una namin siyang nabalitaan, na bigla kaming magkakasakit lahat para lang kumunsulta sa kanya. At eto, siguro mahal ako ni Lord, at binigyan ako ng ganitong kalagayan. Sabi ko na nga ba, lahat ng bagay may dahilan. Kaya nung araw na kumirot ang aking mata, e ang araw na pumirma ako sa 'sign up' sheet para sa konsultasyon. mabenta talaga si dok, waitlist #3 lang ako..
Nung sumunod na araw, pag gising ko, mejo mahirap nang buksan yung mata. Hindi ko na idedetalye pa kung bakit, pero dahil mapilit kayo, sasabihin ko na din na gawa ito nang may namuong matitigas na... itago na lang natin sa pangalang morning star...s... sa kanang mata ko. yun bang klaseng pinagdidikit ang itaas at ibabang pilik-mata mo, para bagang ayaw kang pakitain. pagkalipas ng limang minutong dahan-dahang pag-alis nito, kasi nga masakit pag natatamaan ang aking mata, e nakakita na rin ako. lumalaki na rin ang mamula-mulang umbok sa talukap ko, at mejo may konting maga na ang kanang talukap, na parang katatapos lang umiyak. perfect! mas kapani-paniwala ang dahilan kong magpakonsulta. hahaha!
Dumating na rin ang takdang oras, at wala nang kumukunsulta kay dok. kumatok ako sa bukas na pinto ng kwarto kung saan siya kumukunsulta, para ipahiwatig ang pagdating ko.
T: hi... Dok: Hi, come in. You are...?
T: tami, tami ab.. Dok: ah, ok (sabay tingin sa pangalan ko sa sign up sheet). Dr. XXX (sabay nakipag-kamay sa akin) so anong ipapaconsult mo ngayon? (tuloy tuloy nya akong sinenyasan para maupo sa silya, habang pumunta siya sa may pinto.) Isasara ko lang ang pinto ha.
T: (umupo nang nakatalikod sa pinto, pagkatapos pulitin ang nag-amok na salawal) Dok, HUWAG PO! (Biro lang! sa isip ko lang yun hehe)
T: ok. (inexplica ang kalagayan) Dok: (habang nagkukuwento ako, naglagay ng alcohol sa kamay, tumayo at lumapit sa akin. at sinilip ang ilalim ng talukap ng mata ko.)
T: (sa sarili) *inang pimples yan! ngayon pa kayo dumami! (sa di inaasahang pangyayari, napatitig ako sa beautiful soft brown eyes ni Dok habang chinecheck-out, este chinecheck-up niya ang mata ko. Nang mawari ko yun e, tumingin na lang ako sa bintana sa likod niya - rude daw kasi tumitig diba, lalo na kung ganon ka close-range.) Dok: (tapos na ang inspekson, lumayo at nag-alcohol uli. Natakot sa bakterya) hmmm.. may... kuliti ka, in non-medical terms. (sabay ngiti)
T: (sa isip) jologs naman ni Dok, ke-gwapo gwapo, nanira pa ng moment. sana sinabi na lang niya na stye yun! D: (nag-explika kung ano ang may sanhi nun, kung ano kailangan gawin, etc. etc. at nagbigay ng reseta - Tobradex ang pangalan ng eyedrop, kung may mangailangan)
Hindi na importante ang mga sumunod pang naganap. Basta ang alam ko e, sinunod ko hanggang sa letra ang payo ni Dok. Ngayon, wala na akong nararamdamang sakit sa mata, gayong meron pang maliit na maliit na bahid ng kuliti ito. makapagkonsulta nga uli bukas, para maibalita ko sa kanya ang magandang balita at makapagpasalamat *innocent smile* =P |
posted by Tami @ 11:24 PM
 |
|
| 6 Comments: |
-
next taym naman magkasakit ka dun sa may bandang katawan para makita ng doc nyo kung ganu ka kasexy malay mo maakit mo dabah??? jowk.. he he he...
-
hahaha great idea! magagawan ng paraan yan hahaha =D
-
Nyay! Naalala ko nung review, nag parade ang mga walanghiyang kuliti sa mata ko. Halinhinan sa dalawa. Para tuloy kinonfirm na namboboso ako, bwehehe. Ikaw kaya, hindi?
-
haha kung alam ko lang na ganito pala ang kuliti, di sana namboso na talaga ako, para at least may napala ako sa experience ko! haha pero ibang level na yang sa yo =P o kung magparade sila uli, may gamot na ako ha, bigay ko sa yo at a discount, 'previously owned' na kasi hehehe
-
binalasang ipod?
haha comedy!
-
haha nagiisip nga ako ng pwedeng tagalog word for ipod e, ang naisip ko lang e mjo gross (ipot) hehehe =P
|
| |
| << Home |
| |
|
|
next taym naman magkasakit ka dun sa may bandang katawan para makita ng doc nyo kung ganu ka kasexy malay mo maakit mo dabah??? jowk.. he he he...