| Monday, July 31, 2006 |
| Hindi porque |
Hindi porque tawa ako ng tawa, Ibig sabihin hindi na ako umiiyak.
Hindi porque matagal ako nanahimik, Ibig sabihin hindi na kita hinahanap.
Hindi porque tinalikuran kita Ibig sabihin hindi ko na naaalala.
Gusto ko lang maging matibay para sa ating dalawa. Gusto ko lang bigyan ng hustisya ang ating pagsasama.
Sapagkat ito lamang ang alam kong paraan Upang ibigay sa iyo ang iyong kalayaan.
Pero sana tandaan mo –
Sa bawat haplos ng hangin sa iyong pisngi, Maramdaman mo ang dampi ng aking mga labi.
Sa bawat pagsapit ng umaga, Yakap ko ang iyong kasama.
Sa bawat bituing nagningning para sa buwan, Ipinagdiriwang ko ang iyong kagandahan.
Sa bawat patak ng ulan sa iyong ulo, Siya namang patak ng luha ko.
Sa bawat tibok ng iyong puso, Katumbas sa puso ko ay isang paglukso.
Hanggang ngayon, ikaw pa rin –
Aking mahal.Labels: chance poetry |
posted by Tami @ 8:50 AM
 |
|
|
|