Bits and Pieces That Make Me
Music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent. - Victor Hugo
Thursday, August 02, 2007
All Cried Out

"Tam, gusto mo magdrive?," tanong ng ate ko.
"Yes!!" sagot ko sabay motorcycle dance (from Music & Lyrics)
"Ah... sabi ko sa yo sasabihin mo sa kin kung gusto mo e."

Sa totoo lang, mula pa nung tinawagan niya ako last night to check kung nasa Makati pa ako, pinagplanuhan ko na yun ihirit. Ang una kong tanong sa kanya, bago ko pa man alamin kung nasaang part siya ng makati ay "Bakit, may kotse ka?!" Hindi naman obvious na user ako diba. Kaya lang, alam din naman niya yun, na sumasabay lang ako sa kanya pag may dala siyang sasakyan kasi dun lang ako nakakatipid.

Kasi nung lunes, sumabay din ako sa kanya papasok sa office. Sabi niya sa akin kung ako daw kaya ang magmaneho pauwi. Ako naman ay secretly kinilig, oo yumabang, at nanlaki ang mata dahil may halong kaba. On the one hand, e makakapagdrive ako from Makati hanggang bahay - that means: Ayala Ave, EDSA, C5, Libis, Marcos Highway, Sumulong Highway. Parang wala nang mas memajor pa kesa sa mga daang yun, for a beginner like me. Pero at the same time, nagworry ako na baka traffic, ngayon lang ako magdadrive sa gabi, weakness ko ang pagfufull brake-clutch-neutral - lagi akong namamatayan - at di pa ako gaano sanay magshift ng lanes, lalo na kung dikit dikit ang mga sasakyan.

Anyway, nung pauwi na kami, nakalimutan yata niya yung sinabi niya nung umaga. So sumakay na lang ako sa passenger's seat. Kwentuhan kami etc etc. tapos yung isang kapatid ko - si Raj, nagtext sa kin, sasabay daw pauwi from Santolan LRT and kung pwede ba daw magdrive. Nainis ako sa hirit na yun (in retrospect kasi malakas ang loob niyang magvolunteer at ako hindi, so yes, my bad). I told him sya ang mag-ask kay ate pag dating niya. So when he arrived, he did ask her. Sabi ni ate "AYOKO NGA! kasi... chuchuchu." Biglang maya maya sabi ni ate, "O sige ikaw ang magdrive pagdating sa Sumulong. Tam, next time, mag-aassert ka kasi." Aba kasalanan ko pa ngayon na si raj ang magmamaneho at hindi ako! Kaya nga etong Wednesday, I was excited na masubukan din magdrive ng ganun kalayo.

Kasama namin yung isang officemate niya kagabi, so pagbaba ng officemate niya sa Masinag, saka na niya ako pinaupo sa driver's seat. I thought to myself: "I can do this. YES I CAN!" Ang inakala kong the best 30 minutes of my day e nagi palang nightmare. Di pa kami nakaka-alis sa Masinag, namatayan na ako. But I did not let that faze me. Sige lang ako.

"O, pa-turn na yung road na to, nakita mo ba yun? Dapat nagsoslow down ka."
"May mga tumatawid sa part na to, slow down ka uli..."
"Sa tingin mo, kaya mong i-overtake ang truck na yan bago tayo makauwi?"
(Kasi biglang nagkaroon ng truck somewhere bago mag Padi's Point at dahil natatakot ako mag overtake - nahihirapan pa kasi ako magchange gears, minsan hindi pumapasok yung gear kagad. Eventually, nagpark din somewhere yung truck, after mga 5 minutes kong tinutukan and after about 25 cars na nagovertake sa amin.)

Maya-maya pa,

"ANO NA NAMAN GINAWA MO! BAKIT KA NAGSTOP!"
"FULL BRAKE! O... BAT NAKABRAKE KA NA? ANONG GAGAWIN MO NEXT?"
"Clutch then Neutral...?"


Malalaman niyo naman siguro kung sino ako at ang ATE ko sa usap na yan.

Nakauwi naman kami ng buhay. Di ko na nga lang naipark ng maayos yung kotse kasi "matagal na daw yun mashado," at sya na ang nagpark. Paglabas namin ng kotse, di ko na napigilan na maiyak. at humagulgol. sabi pa niya irereview namin yung mga mali ko over dinner. Di na ako umabot sa dinner table kasi dumirecho na ako sa kwarto at doon naghasik ng lagim. Kung gusto niyo malaman kung bakit ako umiyak last Sunday, ang masasabi ko lang e kasama ko rin si Ate ng mga panahong iyon.

Alam ko naman na short tempered ang ate ko pagdating sa mga ganitong bagay, at na-aappreciate ko na sinusubukan niya kahit papano na wag manigaw. Kaso may nakakalusot pa rin e. Siguro normal decibel kasi niya yung ganon pag kinakabahan siya. Kulang na lang siguro e tinalsikan niya ako ng laway, at basang sisiw na ang labas ko.

Well, I admit, talagang mababaw din ang luha ko, and yes I'm being too hard on myself. Ang issue ko naman kahapon e hindi dahil lang nasisigawan ako e, but more because I really feel so stupid na hindi ko makuha na pumick-up ng mabilis. Tinanong pa ako ni ate pagkatapos niya kumain kung umiyak daw ba ako dahil sa driving at baket? Ayokong ayoko ng mga ganyang tanong, yung mga kailangan pang usisain kung bakit ako na-upset. Pano, nabubuksan uli yung issue. E in the first place, kaya nga ako tumigil umiyak e kasi ni-repress ko na siya somewhere dark & twisty. Sabi niya wag daw ako matatakot magmaneho, wag ko daw iisiping hindi ako marunong or na hindi ko na makukuha yun, kasi nga naman baguhan pa ako, at nagsisimula pa lang mag-aral. So ang kasunduan namin e sa mga village na lang muna ako magpapractice, sa wala mashadong kotse, tao at distraction, hanggang masanay ako sa mga quirk ng kotse namin and be ready to rumble on the road. Namiss ko tuloy ang instructor ko bigla, kasi yun, di naninigaw. Oh well, ika nga ni ate, e I have to step out of my comfort zone sooner or later. Tomorrow's another day.

Labels: ,

posted by Tami @ 2:17 PM  
6 Comments:
  • At August 03, 2007 9:27 AM, Anonymous Anonymous said…

    remember the Kuya Manuel's San Lo Driving school? :p umiyak ka din nun! So I agree, mababaw ang luha mo! hehe.. peace tsong!:p

     
  • At August 03, 2007 11:20 AM, Blogger Tami said…

    how can I forget??? teka bago pa nga niyan, na-trauma din ako sa tatay ko nung tinuruan niya ako. hmmm, may emerging pattern... siguro... magkapatid ang ate ko at si Kuya Manuel, kaya pareho ang effect nila sa akin. hahaha! =P

     
  • At August 03, 2007 1:42 PM, Blogger Unknown said…

    buti ka nga marunong magmaneho... ako bump car lang, pero astig pwede ibunggo kung saan saan at di nakakabasag ng bungo! yoh! :D

     
  • At August 03, 2007 2:34 PM, Blogger Tami said…

    hehe naku e kahit bump car or yung mga car games sa arcade, hirap akong imaniobra =D pero ang saya magbump car!!

     
  • At August 06, 2007 10:23 AM, Anonymous Anonymous said…

    sa lahat ng ayaw ko, nagddrive ng may kasamang "back-seat-driver"....hahaha

    I used to have a friend na ganyan.....i feel like a robot na dapat sumunod sa mga inuutos nya (well, it was his car) but i can't explain to him na we have different styles of driving (coz she was a girl (hmmmm no pun intended, para kasi syang matanda magmaneho)....grrrr

    anyways, nakakatakot ka pala inisin kasi madali ka mag-cry.....hehehe

     
  • At August 06, 2007 1:31 PM, Blogger Tami said…

    korek, mas comfortable din ako na ako na lang ang bahala dumiskarte e. Lalo lang ako natataranta kapag my ibang sinasabi na ganito dapat etc etc.. nagtatanong naman kasi ako pag di ko na sure. Pero unfortunately lahat ng mga ate at tita ko e backseat drivers...

    uy hindi naman ako ganon kaiyakin! unless sinisigawan mo ako habang inaasar, saka lang ako iiyak. haha saka pag alam ko namang biro, wala sakin yun. =D sige try mo ko asarin, bring it on! =D

     
Post a Comment
<< Home
 
About Me

About Me: Dum spiro, spero
See my complete profile

Previous Posts
Archives
Links


Powered by Blogger


lunar phases
Template by

Free Blogger 

Templates