Bits and Pieces That Make Me
Music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent. - Victor Hugo
Tuesday, October 07, 2008
Sunday Bootcamp (at Shopwise Antipolo)

Ate: Nagbigay ba si Virg ng listahan?
Tami: Oo, binigay niya sa akin.
Ate: Ok.
Tami: Kukuha na ako ng dalawang cart?
Ate: No, that’s not necessary.

[GULP. Malay ko ba? Pag sumasama ako maggrocery dati e alam ko tig-isa kaming cart. Isa para sa gulay (that’s me!) at isa para sa meat at kung ano ano pa (that’s her!)]

Ate: May zonrox ba?
Tami: wala
Ate: Akala ko may sinabi ka kanina.
Tami: wala, baka sabon panlaba yun.

MISSION 1: Trash Bag

Ate (tumigil sa harapan ng trash bag section): Pumili ka nung pinakamura.
Tami (tumitingin sa shelf para magcompare ng prices. Kailangan pa i-compute kung magkano ang unit price kasi iba iba ang quantity per brand, at iba iba pa ng size. Bakit kapag under pressure ka e bumabagal lalo ang utak mo??? After 3 minutes...): eto yung pinakamura.
Ate: tiningnan mo ba yung ibang kulay?
Tami (yun pala dalawang brand lang ang nacompare ko. Puro black plastic bags. Meron dun green and yellow, hindi ko nakita. Edi compare ako uli): Eto pa rin yung mas mura.
Ate (May kinuhang trash bag sa shelf na kaharap niya): HINDI. Eto yung pinakamura.

MISSION FAILED. =(

MISSION 2: Bumbilya

Ate: Ok, kunin mo uli yung pinakamura.
Tami (Nakitingin sa shelf na mga Philips and General Electric. Oh no, ang engot ko talaga.. looked around for Ate, hindi nakita, so texted Virg, hoping sumagot kagad sya)
Ate: Natingnan mo na? wag mo kalimutan tingnan yung price.
Tami: Hindi pa e. tatanong ko kasi kay Virg kung anong size kailangan niya.
Ate: Iisa lang ang size ng bumbilya
Tami (..?..): ah ganon ba… (Checked prices kaagad. Philips first. 29.75. checked another Philips box 24.75. HUH? Checked GE. 24.74. Pareho lang, so got the philips. Bahala na.)
Ate: o anong gagawin mo pagkatapos…
Tami (Trick question kaya yun? Hindi nakasagot kagad…): umm…..kukuha ng sabon?
Ate: Ipapatest mo yung bumbilya!

BAGSAK NA NAMAN!!! MISSION FAILED. =(

Tami: waaaah!!! I want my daddddddyyy!!!!!

MISSION 3: Zonrox

Tami (upon checking list. Syet, may zonroz nga.): Ate, may zonrox pala sa list…
Ate: Ok (punta kami sa washing section)
Tami: (nakita kagad yung brand na binibili ni ate, Hindi Zonrox ang pangalan nun, Shopwise ang pangalan. Yung parang SM Bonus na repackaged lang at parang hindi mukhang mabisa yung stuff sa loob.) Ito yung binibili niyo diba?
Ate: Yup… (sabay lakad sa ibang section)

MISSION ACCOMPLISHED! =D

Ate (after a while, tumatawa): napepressure ka no?
Tami (hindi makatawa):

Mayamaya pa...

Tami: Wala pa tayong brewed coffee.
Ate (thinking deep): ummm… then nodded, sabay pumunta sa coffee section…
Tami: nyehehehe… sino na ang boss ngayon???
(si ate pa rin =P)

[Note to readers: By the way, 2006 pa pala to. Expert na ako ngayon sa pagogrocery! =P]

posted by Tami @ 11:11 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
About Me

About Me: Dum spiro, spero
See my complete profile

Previous Posts
Archives
Links


Powered by Blogger


lunar phases
Template by

Free Blogger 

Templates