Sa panahon ngayon, hindi ko na keri magshopping. Kaya nagwiwindow shopping na lang ako - - - sa MULTIPLY PA! Anak ng tokwang three days old! Sa panahon ngayon, hindi ko na pwedeng pangaraping manood ng Chris Brown-Rihanna concert. Hinihintay ko na lang magpost ang mga nanood nun ng photos and videos sa multiply, youtube, myspace at kung saan saan pa. Sa panahon ngayon, hindi ko na kailangan mag abang ng Zero miles or whatever promo ng kung ano anong airline para makapunta sa lugar na gusto ko. Isang click ko lang sa mga album ng mga tao, nandun na ako! Sa panahon ngayon, hindi na ako bumibili ng mga casette tape, CDs o DVDs (bukod sa hindi ko rin naman afford kasi pag bumili ako nun, ibig sabihin kailangan ko pa bumili ng CD/DVD player or stereo component!) ... download na lang ng download! Sa panahon ngayon, hindi ko na kailangan gumastos para sa text books, manuals, tutorials, dyaryo, magasin o tabloids. Pwede akong matuto ng kahit anong asignatura, mag-pilates, mag hip-hop, magbake o mag-gitara, o maging well-versed, well-spoken, updated sa current events at chismis sa isang pindot lang. Ni hindi ko kailangan kumupit ng playing cards sa eroplano, bumili ng mga manyika or coloring book at crayola para sa mga pamangkin ko kasi makukuha ko rin to sa dulo ng aking mga kamay. Sa panahon ngayon, hindi ko na rin kailangan tawagan o bisitahin ang mga kaibigan o kamag-anak sa kani-kanilang tahanan or worse, gumastos pa sa pagmit sa kanila sa Starbucks o Pizza hut! YM-ym na lang na may kasama pang webcam. Sigurado pang kkb kayo, kasi talagang kanya kanya kayo ng kain.
Sa panahon ngayon, hindi na advisable ang magmaneho or magcommute kaya the more na magagawa mo sa isang lugar, the better. One stop shop, kung baga. Iba na talaga ang tag-hirap.
Kaya kapag maiksi ang kumot... bumili ng computer at siguraduhing hindi ka mauubusan ng Internet access!!! |