| Monday, October 15, 2007 |
| Bords |
Natatawa ako sa word na Bords. hahah. Go Bords! ANo ka ba bords, tawa ka naman jan! korni mo eh. Una ko yang na-come across sa video spoof ng Troy (Tonton) Anyway, at that time, I thought it literally meant a 'board' kasi nagliliparan at naghahaduken si Brad Pitt dun. Ayun pala e it meant 'Pare' parang ganon. Kaya pag kausap ko mga kapatid ko, laging may word na 'Bords' kada sentence Bords, maniwala ka sa hindi. Hindi ba bords, nakaka-adik sya after some time? hehe
I love listening to live music. There's something about it that connects me to the music, to the moment, Bords, ibang klase! Last Thursday kasi Bords, 7th Anniversary party ng opisina namin. Tapos part ng program, may tatlong banda na puro ka-officemate ko na nagmini-concert. Bords, would you believe it, yung bokalist na bokal dun sa isang band e kras ko non bords! dati ko pa nakikita yun nung mga panahong masipag pa ako mag jogging after work. Anyway, lumakas lalo ang tama ko, diba bords, nung malaman kong kumakanta pala sya? Rak bords, Rak! Etong last month, minsan pag nagoovertime ako sa office naririnig ko ang banda niya na nagpapraktis sa isa sa mga meeting room. Bords kulang na lang talaga sugurin ko yung practice room nila at mag concert ako dun mag isa! E nahihiya ako kasi di ko naman sila ka-close mashado. So pinaka-intay intay ko talaga yung Anniv party na yun para makita ko na sya talaga in action. I mean in verbal. este... basta bords, dig mo naman ako diba? Ayun, nung turn na nila iba ang kinanta niya. Nalimutan ko na tuloy yung LSS ko palagi na pag naririnig ko e sya lagi ang naiisip ko. Tapos may tinawag na isa pang guy, co-vocalist pala niya. Nag CR ako bigla kasi akala ko kung ano lang ang kakantahin. Habang nasa loob ako ng CR, bigla kong narinig yung LSS ko - yung Home ni Chris Daughtry!!! dem, bords!!! sya pala yun!!! di ako makapaniwala Bords, binilisan ko talaga kung ano man ang ginagawa ko tapos kumaripas pabalik dun kung nasan yung banda. Yun... sobrang galing niya, as in SOBRA. hindi naman ako American Idol judge or anything no Bords, pero, sa standard ko five stars talaga sya! I swear, ayoko na talaga mag pre-judge ng tao, kasi lagi akong mali. Gusto ko na nga siya makita para batiin at papakantahin ko uli. hehe. Dahil sa pangyayaring to, nawalan tuloy ako ng crush. hehe. LEARNING: Huwag paghahaluin ang beer at iced tea sa isang baso at inumin nang konti lang ang kinain para hindi masuka.
Umm ano pa ba, i enjoyed my long weekend, kahit nung Friday e nakadikit ako sa computer. Pano, may inaasikaso akong ilang events na malapit na kaya di ako mapakali at check ako ng check ng email. Bukod naman dun, nag gym lang ako nung Sabado. I attended two classes - Body Step and my favorite Body Jam. Nilulubos ko kasi ang gym ko ngayon dahil simula Nov, naka-freeze na naman yung account ko. Anak ng Bords yang Body Step na yan, iniismol ismol ko pa naman, kasi para lang syang yung mga napapanood mong aerobic workout sa Home videos kung saan yung mga instructor may suot na swimsuit over tights and nakasneakers na may makapal na medyas. Body Step kasi gagamit ka ng isang plastic na Step, basta parang makapal na skateboard na walang gulong, gets? Anyway, di ko kinaya bords! Ampucha, natanggal lahat ng 'lamig' ko pati yata ang ibang muscles natunaw din, kaya nung Sunday, biglang nag set in ang pagod at nananakit lang ng muscles ko. anyway, during the class, after siguro 30 minutes, bumagal na rin ang utak ko so hindi ko sila masundan dahil sa sobrang pagod. Kaya pala nung kumain ako ng sandwich pagkatapos, mga 30 minutes yata bago ko naubos. Ni hindi nga ako maka-ubo, makabahing or makatawa kasi sumasakit yung muscles ko sa tyan. But it was really effective, sobrang pawis ako, and kahit na nanakit muscles, it only meant na nagwork yung work out. I MIGHT try it again next time. Tapos Sat night, nanuod ng Nacho Libre na hindi ko rin natapos kasi dumating si Gabby and her mom, na kinausap ko bago magdespedida dinner para sa isang kapatid na magoOJT sa New Zealand. Bords, diba, san ka naman? Bakit hindi ko inabutan yang mga ganyang pribilehiyo nung nag-aaral ako? Naging yaya din ako ng Sat evening hanggang Sun lunch kasi si Gabby e natulog sa amin after nung dinner. Dun ko talaga napatunayan na hindi pa ako pwede maging ina, kasi mga 2 oras ko lang kaya makipaglaro sa bata. Pagkatapos nun e pagod na pagod na ako at gusto ko nang ibalik sa tiyan ng nanay niya. hehe joke lang! Buti na lang wala mashadong nag-order ng cookies sa akin, kaya di ako rushed sa pagbebake, and nakapagrelax kahit papano. LEARNING: Do not underestimate women in swimsuit and tights.
I started reading pala Paolo Coelho's Veronika Decides to Die. While reading it, I said to myself, 'I could've written that!' Ang yabang e noh. =) But then again, nasa chapter 3 pa lang ako. haha! Nakakarelate kasi ako kahit papano kay Veronika, lalo na yung sinabi niya about life being routine, and about not having something to fight for kaya wala syang ganang mabuhay. Naiisip ko kasi dati I need to find a passion in something, anything para ako ma-motivate, gumawa ng mga plano, maghanap ng direksyon. Otherwise, I'd just keep going with the flow. In retrospect, swerte rin ako e, I feel like I never worked for anything in my life, lahat ng opportunity bumabagsak na lang sa lap ko. Sometimes I take it, mainly because I have no choice or because I can't think of another option. So minsan, I am afraid my luck will run out. Anyway, tapusin ko muna yung book, react na ako kagad ng react e diba. Next time kasi Bords, pipigilan mo akong magdaldal. hehe Darn gagawan nga pala ng movie yun, tapos si Kate Bosworth ang gaganap na Veronika. ummmm... Ay di na nga pala ako magjujudge. Teka, objective lang naman tayo... I FEEL that she does not fit Veronika's personality... haha mabuti pa kung si Chalize theron yun noh! LEARNING: not applicable (hindi na natuto)
Meron akong gustong sabihin, na natatawa ako dati kapag sinasabi ng iba, kasi parang pag blogger ka talagang kailangan dumating ang panahon na sasabihin mo rin yun? Anyway, I don't want to say it just yet, although increasingly, thats what I want to do. I hold back because the moment I say it, I would become one of many. Siguro one of these days, gagawin ko na lang. Ang makahula... magaling. hehe |
posted by Tami @ 6:33 PM
 |
|
|
|