Bits and Pieces That Make Me
Music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent. - Victor Hugo
Sunday, August 19, 2007
The Price I Have to Pay
What a really opportune time to have a boring cell phone!

Kanina, I was at Sta. Lucia Mall, supposedly on a mission to buy a gas range for the house and for my ongoing baking project. Mainit na talaga ng ulo ko non. Paano, I had to coordinate with my sister and my uncle kung sino ang sasama sa akin bumili ng gas range. E dahil 'isisingit' lang nila yun sa schedule nila, I had to adjust to their times. Hanggang ang 2 pm e naging 4 pm, at ang 4 pm ay naging 4.30 pm; at ang original plan is yung tito ko yung kasama ko, then naging si ate, her bf and one of my brothers. Hello? May plano rin naman akong lakad after Sta. Lu noh! Naudlot na nga lang, sa kakapalit palit ng schedule. Yung isa ko pang kapatid, na sobrang excited magdrive e may additional condition pa na sasama lang siya kung magdadala ng sasakyan si ate, para magvovolunteer sya magdrive. So since pabago bago ang isip ni ate kung sasama ba sha at kung anong oras sya daratin sa bahay, e pabago bago din ang isip nung makulit kong utol. In the end, since nagdala ng sasakyan bf ni ate, di na sumama si raj. Arg!!!

Anyway, on the way to Sta. Lucia, nageexplain na ng maayos si Ate. She apologized kasi sha daw ang nagpapaiba iba ng sched, etc. Dun ko napagtanto, na ang 2nd hardest thing to say, at least for me is, 'ok, I accept your apology.' Ewan ko ba kung saang ugali ko napulot yun, pero I don't feel comfortable saying that to people, unless its in the context of a very petty thing, like.. may naiwan kang gamit na ipapahiram mo sa akin, or nalate ka for something. Pero pag yung nagka-asaran na seryoso, I'd rather just get the moment over with and makipag usap na lang ng normal after nagkalamigan na ng ulo. Well, at least that's how I usually act kapag ako ang nagawan ng mali. Pero kung ako ang nakagawa ng mali, e ibang storya yan.

So since ibang storya yan, e babalik na ako sa Sta. Lucia story ko. And point ko naman is hindi yung pagsosorry at pagpapatawad ko e, hindi rin yung gas range, na hindi rin namin nabili. Pano ba naman, napakadami pa palang kailangan iconsider and Sta. Lu lang napuntahan namin, so we need to canvass elsewhere para mas marami kaming choices. Ang point ko is... tentennenen... Nandun ang Moonstar88 and si 'Hi, this is Raymund Marasigaaan from Saaandwich,' nag coconcert!! 'Dehm!' Naisip-isip ko. 'Ito na ang pinakagimik ko this weekend kaya kailangang lubusin!' I tried to go as near as I could to the stage para makakuha ng magandang shot ni Raymund pero sa dami ng tao, e di ako mashadong makalapit. But I was still closer to the stage ngayon than when I watched Sandwich sa UP Fair concert dati, kaya I really wanted to take advantage.

Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng WGA phone ko ang kagalingan ng Sandwich kaya ang mga shot ko e either spotlight, kamay ng audience or isang napakaliit na lumulutang na ulo na may black and gray na stripes na galamay, na kapag izoom ng up to 10x sa CSI crime lab, e maaaninag mo na si Raymund pala. Sinubukan ko ding kumuha ng video, kaso hindi ko na lang idedescribe kung ano ang kinalabasan. Sana pala hindi ko inaway si Raj baka sakaling sumama pa rin sya at maganda ang phone nun e. hehe.

At that instant, I wanted to curse that one day in the history of my life na kumuha ako ng linya sa Globe! What I got was a Nokia 6070 phone, free sa Plan 500 dahil naka-promo, pero originally, free lang yun sa Plan 800. The phone I wanted (Nokia 6280) was free only with the Plan 1,200, which people dissuaded me from taking kasi hindi ako makakaconsume ng ganon kalaki every month. Nag-agree naman ako kasi dati I only consume around 600/month sa pre-paid cards. Well, we underestimated my kadaldalan. And now, I'm paying the price: a whopping average monthly bill of 1,200 and an undecipherable shot of Raymund. huhuhu.

But you feel you'll find it, No you'll find it, Don't forget your heart.. buuuutterfly, butttterrrfly, buuuutterfly (Who! who! ..who! 13x - walang labis walang kulang ;D)
posted by Tami @ 7:31 PM  
2 Comments:
  • At August 23, 2007 4:58 PM, Blogger AudreyRose said…

    Hay naku! ganyan talaga ang buhay! hehehe... promo kasi yong kinuha mo kaya tuloy lang matinong raymond sa cel mo. pero pwede mo pa namang change yong plan mo for a higher one. you're paying 1200 naman ngayon so maybe it is better to change it right? try mo baka makalusot sa globe hehehe... basta alam ko if you change it to a higher plan pinapayagan nila.

    it's really hard to say "ok lang" kahit na inis na inis ka na. At magpa as if na walang problema hehehe.. have that feeling all the time :)

     
  • At August 23, 2007 9:43 PM, Blogger Tami said…

    Hi Audrey! thanks sa comment! yes, it was just another one of 'those' days. =)

    nagtanong na ako actually sa Globe, papataasan ko na sana yung line ko to 1200, just in case pwede ko i-trade in or something yung phone ko for a new one. Dati kasi I know meron silang ganong promo. Kaya lang this time, hindi daw pwede. 5 months pa lang daw kasi ako nakaline, i forget kung kailangan 6 months or at least maka 1 year ako before ako makuha new phone. ang pag-asa ko na lang makatipid is if tigilan ko ang kadadakdak. hehehe

     
Post a Comment
<< Home
 
About Me

About Me: Dum spiro, spero
See my complete profile

Previous Posts
Archives
Links


Powered by Blogger


lunar phases
Template by

Free Blogger 

Templates